Miyerkules, Pebrero 8, 2017

Panitikang Pilipino




PANITIKANG PILIPINO
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
         Mga teoryang pampanitikan


KLASISMO


Ito ay ang mga sinulat ng mga dakilang manunulat. Mga

halimbawa nito ay ang MARS CITY, FUSE BOX, POSPORO.



HUMANISMO

Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang ma-ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya.
Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala ang kultura.



IMAHISMO


 Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya




REALISMO

Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.



KULTURAL

tumutukoy sa mga kwenotng base sa isang kulturang pinaghanguan ng kwento o tula.




        BAYOGRAPIKAL

ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa.






HISTORICAL

ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating pananampalataya



        MARKSISMO



 inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping lakas.







ROMANTISISMO



ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.



DEKONSTRAKSYON




ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin ang katapusan at pwede ka ding mag dagdag nga mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhain ang mga namatay na sa akda!



EKSESTINSYALISMO

hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran




   SOSYOLOHIKAL

Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin sy nsgiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Sa kuwentong “TATA SELO” ni Rogelio Sikat ay masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.



         FORMALISM

ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuri; samakatwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang formalismo. ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang: nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda..



         FEMINISMO

ang Feminismoay tumutukoy sa kalaksan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento o akda.



        ARKITAYP

Teoryang Arkitaypalv Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam…
 

Dalawang Uri ang Panitikan
1.   Patula – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong.  Kabilang ditto ang mga sumusunod: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pangtanghalan, at patnigan.
2.   Tuluyan o Prosa – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap.  Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda.  Kabilang ditto ang mga sumusunod: maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita ateditoryal.
                                     
Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino
1.   Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan.
2.   Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.
3.   Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.
4.   Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.
5.   Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan.  Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.
·         
          Uri ng Panitikan


1. KATHANG-ISIP (FICTION) -ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento, nobela at iba pa. 
2. HINDI KATHANG -ISIP- ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulas ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan. 

=Halimbawa ng Panitikan=
1.) Alamat                                          
2.) Bugtong
3.) Salawikain o Sawikain
4.) Epiko
5.) Pasyon
6.) Talumpati
7.) Tula
8.) Tayutay
9.) Parabula
10.) Palaisipan 


·              ALAMAT     
·         Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook,at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhHBUnt7fO4qhG9W6z_FktKTXXuZDeBbWDOkbES-c0L9J17GhzYldFzPzZ5DhsLtXlvuQnAE5pehWL_9aXxmzXknKXV7M_8pD4r9ILgBRUOZdKt0wwaNglMuSUPdGqOzUNeOlYLl7GsmM7S/s200/pipit.gif

ALAMAT NG IBON
·          BUGTONG  
·         Ang bugtong, pahulaan o patuturan ayisang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.  
·         Ako'y may tapat na kaibigan, Saan man ako magpunta kasama ko kahit saan.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj_MvQRzFZqImDuPwcDER64vqXuDXZvXCTZhXGZEorzpw6Q-9MtHO7HbbYBpgR3Q4P5CC83L0gxXxfUkzyjXgHJlXSxFsXfb3EiQnevNnYxP4raXmYPMgbnTi2_PZCOEC8yMmOCVBtl0FcP/s200/draft_lens16869391module146727411photo_1294932338mga_bugtong.jpg
SAGOT; ANINO
·         SAWIKAIN
Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa;
·                idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
·               moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
·               salawikain, mga kasabihan o kawikaan.
   
·           SALAWIKAIN
·         Ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang naghahayag ng mga gintong aral. 
·         Pinaniniwalan na ang mga salawikain ay kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating makabagong     henerasyon. 
·         Nabuo ang mga salawikain o kasabihan ng ating mga ninuno na may makatang kakayahan o kaisipan at nakapagbibigay ito ng aral, paala-ala o gabay sa mga kabataan upang maiwasto ang mga pamantayan ng pamumuhay. 
·         Dahil sa salawikain o kasabihan ay naitatanim sa kaisipan ng mga kabataan ang kabutihang asal, kadakilaan, pagmamahal sa bayan at sa kapwa tao, maging sa paglilingod sa Diyos na sinasampalatayanan natin na siyang nagpapala sa kaniyang mga nilalang.
·           PARABULA  
·         Ang  Parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.
·          EPIKO  
·         Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
·         TALUMPATI  
·         Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sawikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.  
·         Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang.
·          TAYUTAY
·         Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.